Kailan mo ulit ako mamahalin......? Buong araw na tanong sa aking sarili. Bukas? Sa isang linggo? Sa isang taon? Kailan kaya?
... ikaw na bumuo ng ilang libong pangarap at pinalutang sa dagat na walang katiyakan, akay ng maingat na ihip ng hangin sa kung saan ... lulubog o lilitaw... ay hindi alam.
... ikaw na naglapat ng titik sa piping awit ng mga ibon, sa ugong ng hangin sa gabi, at sa musikang dala ng dagat sabay sa paghampas sa mga bato sa dalampasigan.
... ikaw na nagpaamo sa galit ng araw, nagpatahan sa pag-iyak ng bagyo, at nagpasaya sa mga bituin ng kadiliman ng gabi.
Subalit nasaan ka?
... nasaan na ang mga pangarap na binuo at binuhay ng mga malikhaing isip, inanod na ba sila?
... nasaan na ang tinig at mga awit na kinatha ng mga pusong umiibig, nakalimutan na ba ang bawat linya?
... at nasaan na ang maamong araw, ang mga bituing tanglaw sa dilim... wala na sila, isa-isang napundi ba?
Kailan mo ulit ako mamahalin... bukas kaya... o hindi na?
No comments:
Post a Comment
Penny for your thoughts?