01 March 2012

Page 61 of 366 Book 2012

Sa mga nakakalimot na, paalala ko lang, today is Page 61 of  366 na. Well what's so significant about it? Aba malay ko. Sinasabi ko lang naman di ba? Baka lang naman interested kayong malaman, mahina ang inyong sense of time, or talagang makakalimutinlang kayo.

Kumusta naman ang araw mo? Reklamo ka pa?

Ako, buong araw na nagbibilang ng mga bulutong sa balat ko. Habang ginagawa ko yun, gusto kong magpa-exorcise sa pari wishing na baka bumalik sa dati ang mukha ko pag nagawa ko yun. Pero hindi, mukha talaga akong si "The Thing" ng Fantastic Four. I swear, pag nagkita kami at kung totoo sya, malamang yakapin nya ako thinking ako ang nawawala nyang kapamilya. Whatevuh.....

So ayun. Si bespren, lumipad going to Hong Kong kaya tuloy wala akong mapaghingahan ng mga kung anu anong nararamdaman ko sa katawan (Eh reklamador naman talaga ako, given na yun). Hopefully, pag nakita nya ang mga blog posts ko sa nangyari sa mukha ko, mapapaluhod sya nang wala sa oras at magdarasal para sa akin LOL

Nami-miss ko ang office. Oo nga, seryoso. Kahit gaano ka-stressful sa office, kahit ikot ako nang ikot na parang kunehong di mapaihi, nakaka-miss din pala ang may ginagawa. Hindi ako magtatagal nang one week nang walang ginagawa. Mas lalo yata akong manghihina. Pero I can't risk naman starting a Bulutong Epidemic sa office no. Baka igapos nila ako bigla sa gate at sunugin. Aswang lang ang peg ba.

Mabuti na lang, isang beses lang sa tanang buhay ng tao sya magkakabulutong. Otherwise, ayaw ko yata maulit ito. Parang feeling ko, mas ok pa yung nararamdaman nung nanganganak, nagpapa-root canal or nagpapa-lobotomy. At least fleeting lang yung pain di ba. Eto, torture!

Haay si Papa Jack naman kasi, lecture nang lecture tungkol sa colantro, eh malay ko ba naman kung saan nakakabili ng colantro. Pero infairness, sabi sa research, yung colantro (coriander seeds) is good for chicken pox kasi it has antiviral properties. Hence, madali matuyo yung blisters. Ang nanay ko naman, binibida ang dahon ng bignay...daming folklore lang.... so barriotic lang kumbaga.

Well for those who do not know yet, pwedeng magtake ng Zovirax for chicken pox. HOWEVER.... it should be taken at least 24 hours upon the appearance of the first blister. Otherwise, sayang lang. Eh ang one week treatment ng Zovirax aabot ng P 8,000. At hello naman.... pano mo naman kasi malalaman na yung first blister is a chicken pox? Like in my case I thought may sugat lang ako sa scalp dahil sa kakalaro namin ni Gucci. Yun pala, since last week, nag-appear na yung blister ko sa head. Oh well.

Cge dyan muna kayo.....borlog muna ulit!

2 comments:

Penny for your thoughts?