Lahat ng tao gusto mainlove, pero hindi lahat ng tao gustong mag-effort sa love. Yung iba, pwedeng pwede na kahit so-so, basta masabi lang na may effort.
Hindi madali ang magmahal. Nandoon ka sa sitwasyon na pride mo na lang lulunukin mo pa para mapagbigyan ang gusto ng taong mahal mo. Nandoon na kulang na lang magpaalila ka na para mapagsilbihan mo sila, talikuran mo ang iba para maibigay mo lang ang oras mo.
Pero sad to say, marami sa atin, nakikita ang ating mga sarili sa sitwasyon na binigay mo na nga ang lahat, pero hindi ka man lang pwedeng bigyan ng oras, panahon at importance na gusto mo. Hindi naman sa nagiging demanding ka, OA or narcissistic bitch pero, ganun talaga.
Sino ba naman ang walang ideals? Tanga ka kung sige ka nang sige mainlove na di mo alam ang gusto mo, or kahit alam mo ang gusto mo pero nagtitiyaga kang tratuhin na parang trapo dahil lang ayaw mo maging alone.
Simple lang naman ang guidelines ko sa mga relasyon. Hindi naman ako complicated kausap, well maybe, 5 years before oo, pero water under the bridge na yun. Ibang topic yun.
Sana, makak...
(Suddenly I was interrupted by 2 guys who are doing random evangelical counseling....)
Going back, sana mahanap ko ang taong makakaintindi sa akin. I know it is a broad concept. Pero let me illustrate:
Sana....
... Pilitin nya akong kumain kahit ayaw ko, yung tipong hindi na sya maghihintay na sabihin kong hindi, at maglalagay na lang ng food sa harap ko. Kakainin ko rin naman yun.
...Piliin nya ako over anything else. Kung work naman yun or family, maiintindihan ko kung kailangan kong maging 2nd place. Pero sana ako pa rin ang priority. Gusto ko naman, for a change, may mataranta sa akin.
...Hindi ko na ipakiusap ang oras nya. Automatic na yun. May oras para sa lahat ng bagay, at kapag oras ko, sana akin yun.
...Hindi nya ako iiwanang mag-isa kahit na ano pa sabihin ko. Kasi ang nanay ko, kahit masungit ang tatay ko, never nya ito iniwan. Kahit sa hapag kainan, sabay sila kakain kahit nagkakatampuhan. Sana may kasama akong kumain, may naghihintay kahit malamig na ang pagkain.
...Tanungin man lang ako kung ano ang gusto ko. Hindi yung kung ano na lang ang gusto nya.
Sana... Sana... Marami pang sana....
Puro sana na lang ba?
Sent from my BlackBerry®
No comments:
Post a Comment
Penny for your thoughts?