Copyright Ritche F. Baria |
Ang sabi sa akin dati, ang taong kasama mo sa paglubog ng araw sa Puerto Galera, ang syang makakatuluyan mo. Pinaniwalaan ko ito. Kaytagal kong hinangad na makapunta ng Puerto Galera sa pag-aakalang, doon ko makikita ang taong makakasama ko sa buong buhay ko. Nakita ko sya sa Galera, magkasama kami sa ilang ulit na paglubog ng araw... pero mag-isa ako ngayon. Wala na siya. Nagkamali ako.
Maraming alaala ang Galera. Mga puting buhangin kung saan kami naglakad sa init ng araw, bughaw na tubig kung saan kami minsan nagtampisaw, mga pako sa kisame, mga buhangin sa kama, maingay na cable tv na wala namang cable na syang naghehele sa amin sa aming pagtulog, mga bituin at ilaw ng cellphone na gabay sa paglalakad sa madilim na dalampasigan. Wala na lahat iyon. Nilamon na ng alon.
Sa dami ng alaalang ito, hindi ko makuhang tumuntong ng Galera. Hindi dahil sa hindi ko kaya, hindi dahil sa nalulungkot ako, pero may mga bagay at lugar na gusto mo na lang hayaang magtago ng lahat ng magagandang bagay na nangyari sa isang kabanata ng iyong buhay. Mga ngiting nakaukit sa dalampasigan, mga pangarap na nakalutang lang sa alon. Lahat iyon - doon lang mananatili hanggang dumating ang araw na kaya na ulit silang buuin. Kaya na ulit silang ipaglaban, kaya na ulit silang buhayin.
Isang araw, uupo ulit ako sa dalampasigan ng Galera at maghihintay sa paglubog ng araw. Hindi ko alam kung darating ka. Hindi ko na inaasahan. Pero sana, sa pagkakataong ito, kung sino man ang umupo sa tabi ko at mangarap kasama ako, sana totoo na ito.
Comment by: lafouge
ReplyDeletePosted on: 06-05-2008 @ 07:21 pm
Guys, after that Galera trip in 2006 where we first met, the first text I got from my then "friend" was this:
"Gumising ako na wal;ang pako sa kisame, walang maingay na tv, walang buhangin sa kama... pero gumising din ako na wala ka sa tabi ko...."
That was the same text I returned to my ex the night we broke up. The only reply I got was... "sorry...."
Saya di ba?
[ Delete Comment ]
Comment by: hunky_hayden
Posted on: 06-05-2008 @ 11:13 am
Nakakalungkot naman ng sinulat mo. Totoo bang nangyari sa iyo ito?Siguro talagang ganon, kailan mo munang makilala ang mga maling tao bago mo siya matagpuan. Kahit di kita kilala, hangad ko na maging masaya ka....
[ Delete Comment ]
Comment by: tatay
Posted on: 06-05-2008 @ 09:22 am
wow..... it was too early to be sad but i cant help reading your journal. I, and most of the poeple here, wouldn't know how painful it is. But Id like to tell you that what you went thorugh with the person you dedicate your entries are true. They were not fake. It just that it ended.