22 February 2010

Sinful

Copyright Ritche F. Baria

One of the reasons why Andoks has become my favorite tambayan. Jing and Robert, eat your heart out. Nyahahaha!

21 February 2010

Sunlight...Sunset....

Copyright Ritche F. Baria

Dinner at Via Mare overlooking the amber lit Manila Bay (in sepia)

08 February 2010

Mga Katha sa Ilalim ng P90 na Payong ...... (Series 1)

Kailan mo ulit ako mamahalin......? Buong araw na tanong sa aking sarili. Bukas? Sa isang linggo? Sa isang taon? Kailan kaya?


... ikaw na bumuo ng ilang libong pangarap at pinalutang sa dagat na walang katiyakan, akay ng maingat na ihip ng hangin sa kung saan ... lulubog o lilitaw... ay hindi alam.

... ikaw na naglapat ng titik sa piping awit ng mga ibon, sa ugong ng hangin sa gabi, at sa musikang dala ng dagat sabay sa paghampas sa mga bato sa dalampasigan.

... ikaw na nagpaamo sa galit ng araw, nagpatahan sa pag-iyak ng bagyo, at nagpasaya sa mga bituin ng kadiliman ng gabi.



Subalit nasaan ka?


... nasaan na ang mga pangarap na binuo at binuhay ng mga malikhaing isip, inanod na ba sila?

... nasaan na ang tinig at mga awit na kinatha ng mga pusong umiibig, nakalimutan na ba ang bawat linya?

... at nasaan na ang maamong araw, ang mga bituing tanglaw sa dilim... wala na sila, isa-isang napundi ba?



Kailan mo ulit ako mamahalin... bukas kaya... o hindi na?

07 February 2010

Mga Katha sa Ilalim ng P90 na Payong ...... (Series 2)

While sleeping together for the first time.....

About 3 or 4AM
You : I love you
Me: Bakit mo ko love?
You: Zzzzzzzzzz (tinulugan ako)

About 6AM
Me: You were drunk, lasing ka yata kagabi.
You: Hindi ako lasing nakainom lang
Me: Lasing ka!
You: Why? Bakit ako lasing?
Me: (Laughing) Because you said "I love you" to me.
You: I did not!!!!
Me: Yes you did!
You: I did not! Baka you heard me wrong. I said I'm gonna miss you.
Me: Ok...

About 8AM, on my way home
Phone beeps......
You: Hindi ako lasing ;-)
Me: Kebs lang.....