Ano ang mas malaki kesa sa City? .... Utsu!
Walong buwan. Akalain mo yun? Who would have thought that we will make it this far considering tha we both have strong personalities, ayaw patalo sa isa't isa. Nonetheless, salamat sa iyo for keeping me sane. Nami-miss na kita, pero kailangan natin parehong gawin ang mga specific roles natin. I will see you soon.
Napakasagwa nitong kinakain kong ginataang langka for lunch. Parang kulang na lang ipaglandakan ng nagluto nito sa pagmumukha ko na ang bitter bitter nya at wala na syang inatupag sa buong buhay nya kundi maging bitter. Pero for crying out loud naman, wag sana idamay ang pagkain ko. God bless her soul!
Kasalukuyan akong nakatanga after eating my lunch and at the moment I closed my eyes, images of my parents and all family members, both dead and alive rushed into my mind na as if nasa tabi ko lang sila. It's a weird feeling that I don't get to feel regularly -- every voice seems so distinct and clear na para bang kinakausap nila ako. Mamamatay na ba ako? Hindi pa naman siguro. Siguro nga nami-miss ko lang sila. Ihad to open my eyes and stop thinking about them bago pa ako mag breakdown. Nakakahiya, nasa office pa man din ako. Kung alam lang nila ang nararamdaman ko.
Mas okay pala pag nagtatagalog ako. Express kung express na parang tanga lang. Walang rules of grammar na nilalabag, walang mapagmasid na mga mambabasang akala mo expert sa kung anong larangan ng katalinuhan na sila lang ang may alam. Bakit ba, blog ko to no!
Six minutes na lang, matatapos na tong break ko.... ano ba ang pwedeng gawin sa last six minutes? Magdasal...Check! Magpretend na okay lang ako...Check! Ayan four minutes to go. Akalain mo, nagawa kong magpakabanal at magkunwari at the same time, all in two minutes.
Sa nalalabi kong three minutes... magtetext muna ako kay K! Alam ko nalulungkot din sya. Dapat nga eh, magkasama kami today... dinner ulit sa Makati, mang-okray ng fashion sense ng mga trying hard na noveau riche at magkulitan buong araw. Wala eh.. ganun talaga.
Two minutes.... Nalulungkot pa rin ako. Lintek na langka yan. Lakas makahawa ng bitterness ampotah.
Time's up.... back to work muna ako. Dami ko pang paiiyakin later.. binayaran ko na yan ng luha ko, tigil tigilan nga nyo ako.
Background music : My Prerogative by Bobby Brown (di ba pwedeng Britney Spears man lang?)
No comments:
Post a Comment
Penny for your thoughts?