Yeah, naalala ko tong scenario na ito. Ako nasa likod ng bus galing Batangas papuntang Manila, hawak ang aking Motorola Q10 habang nagt-type, tumutulo ang luha at sipon (or puro sipon na yun, di ko na matandaan. Paumanhin sa mga kumakain ng tinapay na may palamang condensada). Ika nga eh... you remember the person but you don't remember the feeling anymore.
A month ago nakita ko sya, may kasamang iba.... (kailangan talaga mag-rhyme... dagdagan kaya natin ng yo! Yo! Para asteeeeg!) Hi, hello, goodbye. Parang hindi lang kami magkakilala. Three weeks ago, nakita ko din sya, kasama ko si Bes, at take note, sa harap pa namin sila umupo. The point is.... pakialam ko ba kung i-date nya ang buong bayan. (Ako bilang si Bitter Ocampo) Nada que ver! I have already moved on and I am a happy person in a healthy and happy relationship.
I wish I could say the same for the person (oo, bilang sinaktanmo ako, you will forever be referred in the third person). I understand grabe din ang pinagdaanan nya, muntik pa nga yata syang mauna doon sa dalawang bagets na nagbarilan sa SM Pampanga. Ay caramba. Ayaw ko yata mabalitaan na nasasangkot sa kahit na anong form of violence ang mga kilala ko. Parang ang hirap mag-identify ng mga duguang tao, more so ng dental records. (of course OA ako kung maka-react)
Saan man sya ngayon, sino man ang ka-date nya.... isa lang ang sasabihin ko..... maging masaya sana sya at sana, ligtas sya palagi. (Ambait ko kaya!)
Never mind... I'll find someone like youuuuuuuu, sabi ni Adele. Well, ang sagot ni Barbra Streissand : I finaly found someone.
Background music : Only Girl (in the world) by Rihanna (wag nyo na itanong kung bakit)
Read my post at Definitely Filipino : http://definitelyfilipino.com/blog/2012/01/05/sa-may-bintana/
No comments:
Post a Comment
Penny for your thoughts?